Pa-like naman po nito! Thanks.

LIKE.COMMENT.TWEET. Teka, teka, alam mo naman ba kung ano yang nila-like at nirere-tweet mo? At alam mo bang may batas na ginawa ang MABABAIT at MATITINO nating mga senador? Hahaha. Analyze mo nga ‘to te: Ang Cybercrime Prevention Act ay isang batas na magpoprotekta sa’yo laban sa mga mang-aapi, mangwawalang-hiya, at may gagawing masama sa’yo sa pamamagitan ng internet NGUNIT. SUBALIT ito ring batas na ito ang pipigil sa kalayaan mo at opinyon mo sa pamamagitan pa din ng Internet. Oh ano? Keri?

                Cybercrime Prevention Act of 2012 –  isang batas na ginawa na naglalayong gawing isang  krimen ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan, pagha-hack, pag-spam, online trafficking at pagbabahagi ng file. Sa kabuuhan ng batas na ito ay maganda ang intensyon para maiwasan ang paggawa ng kalaswaan, paninira at iba’t iba pang gawaing hindi maganda na ginagawa sa internet o social networks.

Nilagdaan ang nasabing batas  ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong September 12 2012. Ang batas na ito ay naglalayong protektahan DAW ang isang Internet user sa mga maaaring kapahamakan na mangyayari sa Internet. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin matapos tapos ang debate kung dapat nga itong ipagpatuloy na isulong dahil sa dami ng mga Pinoy na kumokondena rito.

                Ang bawat impormasyon na  nakalap ng blogger ay pawang galing sa mga mapapagkatiwalaang sites at tao. Samantalang ang mga opinyon naman ng blogger ay ibinase sa mga nakalap na impormasyon at sariling kuru-kuru (kuru-kuru talaga??). 

 Tropang Cybercrime

Tropang Cybercrime? Sila yung mga HENYONG Senador na nagpasa at bumoto para maisakatuparan ang nasabing batas. Meron akong nabasa na isang comment sa Fb, sabi dun lahat daw ng mga senador na bumoto para maisa-batas ang Cybecrime ay makakaasa na hindi na muling iboboto ng taong bayan lalong-lao na ng mga taong internet. SABE???

Sina Sotto, Revilla, Villar, Lapid, Pimentel, Estrada, Legarda, Escudero, Lacson, Honasan, Cayetano, Marcos at Recto ay ang mga senador na bumoto sa panig ng batas. Si Anggara, bilang siya ang awtor ng batas na ito, pinahayag na ang batas na ito ay siyang pipigil sa mga krimen sa Internet tulad ng child pornography, fraud, hacking at cybersex. Ayon din sa kanya ito ay hindi naman DAW pipigilan diumano ang karapatan ng mga Noypi sa Internet. http://www.kabayantech.com

Ito ay mga seksyon sa Cybercrime na sinasabing “safeguards against possible abuse:”

i. Offenses against the confidentiality, intergrity and availability of computer data and systems (illegal access, illegal interception, data interence, system interference, cyber-squatting, misuse of devices)

ii. Computer-related offenses (computer-related forgery, computer-related fraud)

iii. Content-related offenses (cybersex, child pornography, unsolicited commercial communications or spamming, libel) The Senate Bill 2796 will have a harsh penalty for those who have been found guilty, an example of this is cyber-squatting; you’ll be punished with imprisonment of prision mayor or a fine of not more than P500,000 (or both) and for child-pornographer, its punished according to Republic Act 9775 or the Anti-Child Pornography Act of 2009.

Kasunod nito, nagtalaga rin ng 3 mamahalang mga ahensya na makakatulong sa pagpapalawig ng batas. Ang mga ito ay ilan sa magagandang bahagi ng batas na talagang makakatulong sa ating mga kababayan. Lalong-lalo na sa mga nabu-bully at biktima ng pornography sa bansa. Alam naman din nating lahat na sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ay kasama din nitong umuunlad ang mundo ng Internet. Hindi rin maaalis na sa pag-unlad ng mga ito ay dumarami ang may mga masasamang loob na hahanap at talagang gagawa ng paraan para makaperwisyo at makapanira ng ibang tao.

Digital Martial Law?

Ito ang tawag ng mga nangangalit, nagagalit, naiirita, naiinis na mga Netizens sa CP Act na pilit na ipinapasa ng mga senador. Ayon sa gmanetwork.com, at sa tulong ng InterAksyon News 5, nabuo ang sampung  nakakatakot na bahagi at bagay ng batas na ito.

1. It only happens to hear nice things

“You’re damned if you’rte lying and you’re damned if you’re telling the truth.” Kapag may gusto kang i-post o i-tweet about certain person, kunwari ay nainis ka sa isang pulitiko dahil sa tingin mo ay puro papogi at kasinungalingan lang naman ang sinsabi niya ay maaari kang makasuhan ng LIBELO! Oo, libel talaga dahil diumano ay maaaring masira RAW ang kaniyang puri.

2. It champions the dead by asking the living to shut up.

“The law says, if you can’t say anything good, then you better not to say anything at all.” Taray diba? Ang isang taong patay na ay hindi mo pwedeng siraan pa. ngunit paano na nga lang kung ang taong ito ay kasuklam-suklam naman talaga ang ginawa. Kunwari ay nakapatay ng isangdaang inosenteng tao at natripan lang niyang patayin ang mga ito. O isang babaeng nagpost ng masama sa isang taong patay na, na pinagsamantalahan siya noong nabubuhay pa ito? Paano po yun mga parekoy?

3. It’s so special that it hurts.

“So, even if you’re kidding around by using somebody’s name as a verb or noun to signify not-too-admirable acts (Noynoying, Sottomy, etc), you could get arrested.” Okey na okey yun ah! Halatang-halata na may pinapanigan ang batas na ito. Natural naman siguro talaga sa ating mga Pinoy ang mga ganitong biruan. At kung titingnan naman ay may basehan ang lahat ang mga ganitong biruan. Ang batas ay binubuo para sa kapakanan ng nakararami, hindi para sa IILAN LAMANG! Ano po?

4. It’s a time traveller.

“So, that scathing post about your ex that you put up way back in 2004? You could end up going to jail for that. It’s an I Know What You Posted Several Summers Ago scenario.” Bilib na talaga ko sa awtor ng batas na ito. Biruin mo, ung panahon pa ng hapon na pinost or tinweet mo against someone na libellous DAW, ay maaari ka pa ring makulong. ANG-GARA talaga ng buhay!

5. It’s outdated.

“The Philippines’ libel law, enacted during the American colonial period and intended    mainly to stifle dissent, continues to consider the offense a criminal act.” Sabi sa isang article na nabasa ko, ang CP Act ng Pinas ay hindi naman DAW katulad ng Cybercrime Law ng U.S. Naiiba daw ito kumpara sa Tate. Then, What is the meaning of thiiiiiis?

6. It won’t like you liking what it doesn’t like.

“Time to “unlike” those anti-establishment Facebook pages and unfollow those fakeTwitter accounts spoofing persons in power.” TAKE 2, ang batas ay para sa kapakanan ng lahat, hindi para sa IILAN LAMANG! Ito’y para sa mga BOSS.

7. It’s prudish

“Cybersex is a crime – Cybercrime Prevention Act of 2012.” Ang lahat ng anumang gawaing may kinalaman sa cybersex, o pagpapakita ng mga maseselang bahagi at gawain ay ipinagbabawal ng batas na ito. Lalong-lao na kung ang gawaing ito ay nagsisilbing negosyo at nakakayurak sa pagkatao ng isang indibidwal.

8. It shits on wit.

“Interestingly, the Supreme Court of the Philippines has also ruled that even ironic, suggestive, or metaphorical language could be considered libelous.” So dapat pala alibata or mga sinaunang symbol na ang gamitin natin sa tuwing magpopost tayo.

9. It won’t play fair.

“No court intervention is needed, the DOJ can go right ahead and compel you to stop publishing your posts.” Siguro naman alam nating lahat na ang isang facebook at twitter account ay responsibilidad ng may kaniya nito. Kung anu man ang opinion na gusto niyang ipahayag sa pamamagitan ng Internet ay responsibilidad din niya. Ngunit kung ganito ang magiging resulta ng pagkakapasa ng batas na ito, paano na lang ang ating kalayaan sa pamamahayag? Masyadong matatapakan ang ating karapatan. At naniniwala ako na ang isang batas ay hindi kailangang makatapak ng sinumang tao, masabi lamang na ito’y magandang batas. Ang bawat kaparusahan na ipapataw ay may prosesong pagdadaanan.

10. It’s got killer penalties.

“It’s like a trick question: Would you rather shell out the hefty amount that would kill you or would you rather waste 12 years of your life behind bars, where, at some point, you’d wish you were dead?” Ang batas na ito ay isa sa pinakamahal at pinakaginastusan. Sa halagang isang milyon ay makukulong ka. Maaari ring labindalawang taon ka sa kulungan, at dahil lang yan sa isang post o tweet o like o comment mo. Astig diba? Talino ng mga nasa likod ng batas na ito. Kung sa bawat minuto ay may 24 MILLION na nagpost, nagtweet, nagcomment o naglike ng isang libelous na post, aabutin ng mahigit 24 TRILLION PESOSESSSSSSSSSS. GRABE! Ganun kadami ang pwedeng makasuhan at makulimbat na pera ng pamahalaan kung sa bawat isang makakasuhan ay magbabayad ng P ONE MILLION!!!! Maaari na nitong mabayaran ang utang ng Pinas, at may putal pa. maaari na rin nitong mapakain ang mga nagugutom at makapagpagawa pa ng isa pang Pinas para lumuwag naman sa Maynila. Pero dahil pangarap ko lang ang mga ito, mapupunta lamang ito sa mga bulsa ng mga pulitikong ito. Sa laki ba naman ng makukurakot nila, ang tarpaulin nila baka maging billboard na sa EDSA, ang mga sasakyan magiging Ferrari na. Kaya pala karakara itong isinasabatas. Mga buwaya nga naman, OO ! O.O 

Ang KUMABOG sa lahat – ONLINE LIBEL

                Libel – public imputation and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstances tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead. Note: this definition is according to the Revised Penal Code, Article 353.

Ito ang pinakacontroversial na bahagi, probisyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Sa tingin mo? Bakit kaya?

Isa sa pinakakinatatakutang batas na maipapasa ay ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Ito ay isang espesyal na batas. Ayon nga sa mga balita sa Sen. Vicente “Tito” Sotto ang nagdagdag ng LIBEL sa batas na ito. Tinawag naman ni Sen. Chiz Escudero na isang kamalian ito. Ang iba naming mga senador na hindi bumoto para maipasa ang Cybercrime ay patuloy parin sa pagkondena ditto.

Ayon naman sa Malacanang, NIREVIEW naman daw ng Pangulo ang nasabing batas bago niya ito pirmahan, na talaga naming NAKAKAPAGTAKA! Hindi ba niya naintindihan ng mabuti ang sinsabi ng batas na ito? At ayon naman sa isa pang source na aking nakalap, kung ang ama ng Pangulo na si Ninoy Aquino ay nabubuhay pa hanggang ngayon, malamang na isa ito sa magprotesta laban sa batas na ito, na mas kilala nga na Digital Martial Law.

Nakapaloob sa kasong ito na maaari nang maghain ng reklamo ang sinumang indibidwal na makakatanggap ng pambabatikos o pambabastos mula sa iba gamit nag Internet. Ngunit hindi naman malinaw ang ilang parte ng seksyong ito. Dahil sinasabi na maaari kang makasuhan ng libelo sa simpleng pagla-like, pagko-comment o pagre-retweet kapag sa tingin ng isang tao, o government official ay mapanirang puri ang ni-like o tinweet mong posts.

Ito ay ilan lamang sa mga seksyon ng batas na ito na may kinalaman sa Libel na hindi malinaw at masyadong malawak ang sakop.

  • Sec. 4 It makes libel a cybercrime, if committed online;
  • Sec. 5. It punishes any person who aids or abets the commission of any cybercrime, even if it is only through Facebook or Twitter;
  • Sec. 6. It adopts the entire Penal Code, if the crime is committed by the use of information technology, but the penalty shall be one degree higher;
  • Sec. 7. It makes the same crime punishable, both under the Penal Code and the Cybercrime Act

Kayo na ang humusga mga ‘te!

NETIZENS

                Kung may pinakamaaapektuhan nito ay ang mga taong Internet, o mas kilala natin as Netizens; Citizens of the net. Nang mailabas ang batas na ito napakaraming bumatikos ditto. Mga blogger, Tweetizens, Facebook friends, Youtubers, Googlers, Yahoo-ers at lahat na ng may ER sa Internet.

Naaalala ko pa nung kasikatan ng batas na ito, halos lahat ng mga Facebook friend ko ay nagpalit ng black Facebook Profile Picture bilang pagtutol sa nasabing batas. Marami ring mga site ng gobyerno ang hinack, kabilang ang site ng senador na si Vicente Sotto. Sinasabing si Sotto ang nagdagdag ng probisyong libelo sa batas na ito.

Hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang laban kontra Cybercrime Prevention Act. Dahil sa ilang hindi makatarungang bahagi nito na pipigil lamang sa ating kalayaang makapagpahayag at sa kalayaan natin sa paggamit ng Internet. Sinasabing magiging isang balakid at panganib ito sa karapatan ng mga Pinoy. narito ang ilan sa mga komento at hinaing ng ilan sa mga kababayan mapa-ordinaryong tao, bata, mag-jowa, artista, at ilan pang mga pulitiko na tutol sa Cybercrime:

  • “Ayon sa mga eksperto sa batas ay may mga probisyon na nakalagay doon na masyadong mapanganib sa karapatan ng mamamayan. Halimbawa na lamang ay ang sitwasyon na kung saan kapag may nagpost sa Facebook ng isang mapanirang mensahe ay damay sa demanda pati na ang mga “naglike”. Maari na ring magsagawa ng real-time online data gathering ang mga ahensya ng pamahalaan katulad ng NBI kahit walang utos ng korte at kung anu-ano pang seksyon ang binabaggit ng mga kritiko ng nasabing batas.” www.bayanpilipinas.wordpress.com
  • Now that the government has admitted that there are still some loopholes in the cybercrime law, I think the lawmakers should do their homework properly and study every facet of this new legislation. Some of its sections are meant to protect us, which is good because there are crazy people out there abusing the social networking sites. But some sections (4 and 19) stipulate severe punishment, and that violates our human right to express our feelings. Hopefully, these questionable sections can still be amended. Amy Perez, Actress/TV Host
  • Keep the Internet free! It is the last forum for the youth to air their gripes and grievances. The Internet is also the “Hoy Gising” of modern times. Government and media act very fast when a subject “trends” online. Also, the government has no right whatsoever to tell me what a 45-year-old adult should watch and read on the Net. That is my adult choice. The money allocated for the cybercrime law should be used instead for an education campaign on cyber bullying, libel and proper Internet etiquette. Kim Atienza, Reporter/TV Host/Active Internet user

At may ilan naman na pabor sa batas na ito:

  • It’s good to have parameters, rules and regulations. Regine Velasquez, Actress/TV Host/Singer
  • I am for Cybercrime Law. I’m all for the punishment of Cybercrime because some people have just gone too far. Sharon Cuneta, Singer/Actress
  • “Kasi naman, napakarami nang nabibiktima dito sa krimen na ito kaya dapat, e, ma-find agad kung saan ang mga pinanggalingan nito. Ang problema kasi, nasasaktan ang ibang tao sa mga hate emails, mga paninira, kaya dapat malaman kung sino ang mga tao na personal na umaatake sa ibang tao.” Gov. ER Ejercito, Politician/Actor

OPINYON

                Anti o Pro? Ayaw o Gusto? Sa una, kapag hindi mo pa talaga nababasa ang buong article about Cybercrime Prevention Act of 2012, maiisip mo na okey naman pala. Mapoprotektahan ka sa anuman at sinumang mga tao na mambabastos at mangba-bash sa’yo. Gamit ang batas na ito, maaaring mabawasan at matigil na ang mga cybersex dens, child pornography, computer-related offenses, fraud, theft at cyber-bullying na kung tutuusin ay okey naman sana.

Sabi nga ang sobra nakakasama na. Hindi naman masama na magpasa ng isang batas, maganda nga yun kasi nakikita talaga natin ang bawat effort ng mga pulitikong binoto mo na matulungan at maprotektahan ka. Kaya lang kung ang batas naman na poprotekta sayo ay siya ring batas na pipigil sayo, ano naman ang gagawin mo? Ide-deactivate mo na ba ang Facebook at Twitter mo?

Ang isang batas hindi kailangang makatapak ng karapatan ng isang tao para masabi na maganda ito. Ika nga walang perpekto, kaya wala ring perpektong batas. Hindi rin naman kailangan ang ganitong batas para patahimikin, pigilin at kontrolin ang mga mamamayan. Tandaan mo, habang pinipigilan at binabawalan mo ang isang tao, lalo lang yang lalaban sa’yo. Ang mga hakbang at plano dapat ay maiging pinagiisipan. m

Ang nakakapagtaka pa sa batas na ito ay naglaan ang pamahalaan ng malaking pondo na tumataginting na 50 MILLION bawat taon. Kung sana ay inilaan na lamang ang pondong ito para mas mapaayos ang edukasyon, tumaas ang employment rate, at mabawasan ang mga naghihirap at nagugutom nating mga kababayan, baka mag-isip pa ang mga ito ng maganda at hindi na mang-asar, at mambastos ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi rin naman lahat ng tao ay mapi-please mo sa lahat ng gusto mong mangyari.

                Mga Sir, hindi po ako Political Science Student o ano pa mang may kinalaman sa batas, pero sa pagkakaalam ko ang BATAS ay para sa LAHAT, hindi para sa IILAN LAMANG!!

SOURCES:

10 Scariest Things:

Ramil Duga Gille

Atty. Mel Sta. Maria

Patrick Villavicencio, University of the Philippines

College of Law Professor Atty. JJ Disini

REFERENCES: 

http://www.gmanetwork.com/news/story/276434/scitech/socialmedia/digital-martial-law-10-scary-things-about-the-cybercrime-prevention-act-of-2012

http://kabayantech.com/2012/02/senate-approved-philippines-cybercrime-prevention-act-of-2012/

http://www.sunstar.com.ph/davao/opinion/2012/09/21/lee-cybercrime-prevention-act-2012-244029

http://voicepoints.blogspot.com/2012/10/analysis-cybercrime-law-and-how-it.html

http://voicepoints.blogspot.com/2012/10/analysis-how-cybercrime-law.html

http://www.indybay.org/newsitems/2012/10/20/18724151.php

http://ramzkie.com/2012/09/does-cybercrime-prevention-act-of-2012-affects-the-freedom-of-expression/

http://entertainment.inquirer.net/61990/more-celebs-speak-up-on-cybercrime-law

http://www.sunstar.com.ph/davao/opinion/2012/09/28/lee-questioning-constitutionality-cyber-crime-prevention-act-2012-245258

http://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=54692.0#.UUU0OxwtqKk

http://en.wikipedia.org/wiki/Cybercrime_Prevention_Act_of_2012

http://tonyocruz.com/?p=2866

Intellectual property rights sa Pilipinas

                Ang mga Pilipino ay likas na masayahin. Likas sa atin ang mga biruan, green jokes, intelekwal na jokes at kung anu-ano pang mga biruan o jokes.  Likas din sa atin ang taglay nating katalinuhan, creativity at wittiness. Isa pa sa mga taglay nating gawin ay ang pang-gagaya; impersonations, spoofs at parodies. Ngunit hindi maipagkakaila na isa ito sa mga dahilan ng mga kasiyahan nating mga Pilipino. Talino, creativity at bilis ng pag-iisip ang kailangan upang makuha ang kiliti ng mga Pinoy.

                Pag-gaya sa mga artista, pulitiko, bayani at mga sikat na tao ang madalas ginagaya. Ngunit may isang pang-gagaya ang nakakuha ng aking pansin. Ito ang aking tatalakayin ngayon sa aking blog. 

                Ito ay ilan lamang sa mga pang-gagaya o pangongopya na ring matatawag. Masasabi kaya natin na may nilabag silang batas? Sakop kaya ito ng batas? At ano kaya ang komento ng mga kompanyang pinaggayahan ng mga ito? Ikaw, bilang isang Pinoy, ano ang masasabi mo rito?

Mang Donald’s vs McDonald’s

                Nagsimula ang tindahan na ito bilang “small take-out window” sa isang sinehan sa Naga na nag-o-offer ng mga burger at fries. Binuo ito ng tatlong magkakaibigan na may pare-parehong hilig sa mga pagkain. Lumago ang tindahan na ito na pinangalanang Mang Donald’s dahil sa masarap na at abot kaya pa. Mas lumaki pa ang kanilang negosyo at naging sikat sa mga taga-Naga dahil sa kakaibang sarap na dulot ng kanilang mga pagkain. Isa pa sa mga dahilan ay ang pagkakahawig ng pangalan ng restawran sa isang sikat at malaking restawran, ang McDonald’s. Nagsampa ng kaso ang huli at ipinatigil nito ang operasyon ng Mang Donald’s sa Naga.

  Levi Strauss wins Copyright Case (Levi Strauss nanalo sa kasong Copyright)

                Nanalo ang Levi Strauss and Company (isa sa mga malalaking kompanya ng damit sa Amerika) sa isinampang kaso nito sa isang kompanya rin ng mga damit sa Pilipinas.

                Pinagbayad ng higit $1,600 ang kompanyang CVS Garment and Industrial Company sa paglabag nito sa batas na sumasakop sa copyright. Diumano ay kinopya ng CVS Garment ang disenyo ng bulsa ng pantalong Levis na isa sa pinakasikat na disenyo ng kompanya. Ayon din sa pinakamataas na Korte sa Pilipinas, ipinatigil din ang paggawa ng nasabing pantalon.

 28K fake Louis Vuitton goods seized in the Philippines

                Alam naman nating lahat na ang Louis Vuiton ay isa sa mga pinakasikat na brand ng mamahaling sa bag sa buong mundo. Ngunit isa din ito sa mga produkto na hindi papalampasin na gayahin ng iba sa ating mga kababayan. Ayon sa isang report ng isang fashion style website, mahigit sa dalawampu’t walong libong pekeng Louis Vuitton bags, leather cases and accessories ang nasabat ng mga awtoridad (National Bureau of Investigation) sa isang raid sa napakaraming tindahan sa isang shopping mall. Nanggaling diumano ang reklamo sa director ng Louis Vuitton sa Asia Region Office.

                Ang mga tindahan at tinderang nahuli ay makukulong ng siyam na taon ayon dahil sa paglabag ng mga ito sa Intellectual Property Code ng Pilipinas.

OPINYON ng Blogger

                Sa panahon ngayon mas lalong dumarami ang mga kababayan nating gumagaya sa ilang mga sikat na brands, company logos at mga restaurant logos. Ayon nga sa isang blog na aking nabasa, hindi naman daw kabilang sa Copyright Law o Intellectual Property Code ang mga ganitong uri ng panggagaya, spoofs at parodies. Isa sa mga sikat na gumagawa ng mga panggagayang ito ay ang Spoofs Unlimited. Isang sikat na negosyo ng damit na gumagaya sa mga sikat na brands and logos. ngunit sa dalawampung taon daw nito ay hindi pa nakasuhan ng kahit anong paglabag sa Copyright o Intellectual Property Law sa bansa. Ayon pa sa aking nakalap na impormasyon ang panggagaya o parody ay isang marketing tool para sa anumang negosyo o produkto. Kapag nga naman katunog o kapareho ng isang logo at brand ang isang sikat na brand, malakas ang magiging hatak nito sa mga mamimili. At isa pa ay nakakatuwa nga aman ang mga ganitong pamamaraan o istratehiya. Ngunit nasa atin pa rin ang desisyon kung tayo ay manggagaya o magnanakaw ng gawa ng iba. Isipin na lamang natin kung sa sarili nating produkto ginawa ang mga ganitong pangongopya. Hindi ba’t hindi rin tayo papayag, magagalit at sasama ang ating loob o di kaya naman ay nauuwi sa kaso. Lagi nating isipin na ang anumang uri at paraan ng pangongopya ay masama. Mas mainam na ang sariling atin kaysa maakusahan na magnanakaw.🙂

Intellectual Property Code of the Philippines

              Ayon sa batas na ito iligal ang pangongopya at panggagaya ng Intellectual Property na pag-aari ng isang tao. Nilabag ng mga nabanggit na kaso ang ilang parte ng mga sumusunod na seksyon:

Section 177.1 – Reproduction of the work or substantial portion of the work.

Section 177.2 – Dramatization, translation, adaptation, abrigdement, arrangement or other transformation of the work.

Section 177.5 – Public display of the original or a copy of the work.

 

Sources:

http://www.wowbatangas.com/towns-and-cities/lipa-city/welcome-to-batangas-biggs-diner/

http://harryleaks.blogspot.com/2012/03/intellectual-property-rights-in.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Copyright_law_of_the_Philippines

http://www.edgemiami.com/index.php?ch=style&sc=fashion&sc2=&sc3=&id=103218

http://www.foodrecap.net/bytes/food-parody/

http://ph.news.yahoo.com/filipino-brands-seek-int-l-trademarks-064935992–finance.html

http://www.just-style.com/news/levi-strauss-wins-copyright-case_id85680.aspx